Sie sind auf Seite 1von 21

Yunit 1:

Ang Kinalalagyan ng mga Lalawigan


sa Aking Rehiyon
Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ang pangunawa sa


kinalalagyan ng mga lalawigan sa
rehiyong kinabibilangan ayon sa
katangiang heograpikal nito.
Pamantayan sa Pagganap:

Nakapaglalarawan ng pisikal na
kapaligiran ng mga lalawigan sa
rehiyong kinabibilangan gamit ang mga
batayang impormasyon tungkol sa
direksiyon, lokasyon, populasyon at
paggamit ng mapa.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga
simbolo na ginagamit sa mapa sa tulong ng
panuntunan (ei. katubigan, kabundukan,
etc)
AP3LAR-Ia-1
Panimula:
Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang rehiyon
na kinabibilangan na kailangang kilalanin, at maging
ang mga lalawigan na bumubuo rito. Kailangan din
nating malaman at matutunan ang kinalalagyan o ang
lokasyon mga ito gamit ang mapa.
Ang ating kaalaman sa heograpiya ay malaking
tulong upang higit nating maunawaan ang ating
rehiyon. Bahagi nito, ang pagpapahalaga at
pagpapa-unlad sa ating sariling lalawigan. Tayong
mga mamamayan ang instrumento at nagbibigay-
kinang sa ating rehiyong kinbibilangan.
Layunin:

1.Natatalakay ang iba’t-ibang uri ng mapa.


2.Naiisa-isa ang mga simbolo sa mapa.
3.Nakaguguhit ng payak na mapa na
ginagamitan ng mga simbolo.
4.Napahahalagahan ang paggamit ng mga
simbolo sa mga mapa.
Panimulang Gawain
• Si Mark ay inanyayahang mamumdok
kasama ng kanyang mga kaibigan.
Anu-ano kaya ang mga kakailanganin
niyang kagamitan? Tulungan natin
siyang mag-impake ng kanyang mga
dadalhin. Lagyan ng tsek (√) ang mga
dapat niyang dalhin.
Gabay na Tanong:
1. Anu-ano ang iba’t-ibang uri ng mga
mapa?

2. Para saan ang mga simbolo sa mapa?


Alamin Natin:

Ang mapa ay isang larawan na


nagpapakita ng mga ilog, bundok, kalye
at iba pa sa isang partikular na lugar. Ito
ay nagpapakita ng pisikal na katangian
ng mga lugar, daan at bahaging tubig.
Ginagamitan din ito ng mga simbolo
upang kumatawan sa malalaking bagay
gaya ng kalye, daanan, riles,
pagamutan, paaralan at iba pa.
Ipinapakita rin ng mapa ang
heograpikong impormasyon o direksiyon,
eksaktong lokasyon at pisikal na
katangian ng mga pook gaya ng
lungsod, lalawigan, rehiyon, mga daan
at iba pang nais ipahiwatig na naaayon
sa uri ng mapa.
Mga Bahagi ng Mapa
1. Pamagat o Titulo
2. Simbolo o Pananda
3. Legend
4. Compass Rose
5. North Arrow
6. Iskala o Scale
Mga Uri ng Mapa

1. Mapang Pisikal (Physical Map)


2. Mapang Pangklima (Climate Map)
3. Mapang Politikal (Political Map)
4. Mapang Pandaan (Road Map)
Mga Simbolo sa Mapa

Kadalasang ang mga simbolong ito


ay singhugis ng kanilang mga
inilalarawan gaya ng mga anyong tubig,
anyong lupa, daan, gusali at iba pa.
Ginagamit ang mga simbolo at mga
pananda upang mapadali ang
pagbabasa sa isang mapa.
Halimbawa ng mga simbolo:
Gawain1:
Si Aida, Lorna at Fe ay matalik na
magkakaibigan. Sa kaarawan ni Lorna ay
inanyayahan nya si Aida na pumunta sa
kanilang bahay sa Barangay Matarik.
Samantalang hindi makadadalo si Fe
dahil siya ay may sakit. Tunghayan ang
paglalakbay ni Lorna papunta sa bahay
ng kaibigan.
Tanong:

• Anu-ano ang mga nadaanan ni Aida?


• Paano nakatulong ang mga simbolo sa
paglalakbay ni Aida?
• Anong posibleng mangyari kung walang
mga simbolo?
Gawain 2: Gumuhit Tayo…

Gumuhit ng payak na mapa ng


inyong komunidad at gamitan ito ng
mga simbolo o pananda.
Kenneth Carl Millo Bohol
Teacher I
Eduardo Cojuangco National Vocational High School
Paniqui South

Das könnte Ihnen auch gefallen