Sie sind auf Seite 1von 8

Group 3

Climate Change
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk
Index, naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa
sampung bansa na pinakanaaapektuhan ng
Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas,
dumadalas, at nagiging unpredictable ang
pagakaroon ng mga natural na kalamidad tulad
ng bagyo, pagbaha, at malalaas na ulan na
nararanasan sa Pilipinas dahil sa Climate
Change.
Ano nga ba ang climate change?
Ayon sa Intergovernmental Panel on
Climate Change (2001), Climate change is a
statistically significant variation in either the
mean state of the climate or in its, variability,
persisting for an extended period (typically
decades or longer). It may be due to natural
internal processes or external forcing, or to
persistent anthropogenic changes in the
composition of atmosphere or in land use.”
Nagakaaroon din ng suliranin sa karagatan dahil sa
tinatawag na coral bleaching na pumapatay sa mga
coral reef na siyang tahanan ng mga isda at iba pang
lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba ng
bilang ng mga nahuhuling isda at pagkawala ng ilang
species. Dahil sa pagtaas ng sea level
pinangangambahan na malubog sa tubig ang
mabababang lugar sa Pilipinas. Dahil sa epekto ng
climate change ay nanganganib ang food security
dahil sa pagkapinsala ng sektor ng agrikultura dulot ng
malalakas na bagyo. Lumiliit ang produksiyon ng sektor
ng agrikultura dahil sa pagkasira ng mga kalsada,
bodega, mga kagamitan sa pagtatanim at pagaani,
irigasyon, pagkawasak ng mga palaisadaan, at
pagkamatay ng mga magsasaka at mangingisda.
Nagiging mataas din ang bilang ng
mga nagiging bitima ng sakit tulad ng
dengue, malaria, cholera, dahil sa
pabago-bagong panahon at matinding
init. Mayroon ring ilang mga
mamamayan ang napipilitang lumikas
dahil nasira ng malakas na bagyo ang
tirahan o kaya ay natabunan ng lupa
dahil sa landslide, samantalang ang iba
naman ay kinain ng dagat ang lupa na
dating tinatayuan ng kanilang tahanan.
Sa mga nabanggit na sitwasyon, Isa
lamang ang malinaw, Mayroong ginagawa
ang tao na lalong nagpapabilis at
nagpapasidhi sa climate change. Ang mga
suliraning pangkapaligiran tulad ng suliranin
sa solid waste, deforestation, water pollution
at air pollution ay maituturing na mga sanhi
ng climate change. Kung hindi ito
mahihinto, patuloy na daranas ang ating
bansa ng mas matinding kalamidad sa
hinaharap. Hindi na natin mapipigilan pa
ang climate change, kung kaya’t ang
mahalagang gawin ay maging handa tayo
sa pagharap sa mga kalamidad dulot nito.

Das könnte Ihnen auch gefallen