Sie sind auf Seite 1von 31

Kapaligiran Ko, Ilalarawan Ko

Nasasabi ang pagkakapareho at pagkakaiba


ng sariling komunidad sa mga kaklase

Code: (AP2KOM- Ii-9)


Ngayon ay ihanda
natin ang ating sarili sa
pakikinig sa ating tagapag-
balita tungkol sa pangyayari
sa komunidad na may
kaugnayan sa ating aralin.
1.Tungkol saan ang
balitang narinig?
2. Saan naganap ang balita?
3. Mahalaga bang malaman
ang mga pagbabago sa
ating kapaligiran? Bakit?
Gusto nyo bang
maglaro mga bata?
Ang ating laro ay
“Pagsalo ng Bola”.
Laro: “Pagsalo ng bola”.
Sa saliw ng awitin ipapasa
ang bola. Pagtigil ng tugtog
ang makakasalo ng bola ay
kukuha sa kahon ng isang
tanong na sasagutin.
Hal.Ano ang makikita sa
Batangas City?
Maganda ba ang Batangas
City?
Ano ang pagkakaiba ng
Batangas City Noon at
Batangas City ngayon.
• Mga bata may inihanda
akong cutouts para sa
inyo. Bubuuin nyo ito. Ang
unang pangkat na
makabuo ng tamang
salita ang panalo.
OMKDADINU – ito ang
mga letra inyong bubuuin.
Idikit sa pisara ang tsart ng
nabuong salita.
• May inihanda akong
isang maikling awit na
alam kong inyong
magugustuhan. Aawitin
natin sa himig ng “Leron
Leron Sinta”.
Mga komunidad
Dito sa ating bayan
Ay ating alamin
Paligid ay masdan
At laging pasyalan
Komunidad na pinagmulan
Sa ibat-ibangkapaligiran
Tayo-manirahan
Mga Bata ako ay may
mga larawang inihanda
para sa inyo. Pagmasdan
ninyong mabuti ang mga
ito. Tungkol saan kaya ang
mga larawang ito?
mga
bahay
noon
Ang
mga
ilog
noon
mga
kalsada
noon
1.Ano ang inyong
napansin sa komunidad
noon?
2. Ano ang masasabi mo
sa kayarian ng bahay
noon?
2. Marami pa ba ang
ganyan ang kayarian na
mga bahay ngayon?
3. Ano naman ang masasabi
mo sa mga ilog at iba pang
anyong tubig noon?
3. Malinis pa ba ang
tubig na umaagos sa ilog
natin ngayon? Bakit?
4. Ano kaya ang dahilan?
5. Maiiwasan ba ang pagdumi
ng ilog natin? Paano?
6. Ano naman ang
masasabi nyo sa mga
daan o kalsada noon?
7. Ganito pa rin ba ang
Kalsada natin ngayon?
8. Nakabubuti ba sa atin
9. Ang pagbabago ng
mga daan o kalsada?
10. Ano ang kabutihan
naidudulot nito sa ating
pamumuhay?
• Ngayon ay magkaka-
roon tayo ng pangkatang
Gawain.

Pangkat I- Iguguhit ang


komunidad noon.
Pangkat II

Isulat ang nakita mo sa


larawan ng komunidad
noon
Pangkat III
Sumulat ng 3
pangungusap tungkol
sa komunidad noon sa
inyong lugar.
Base sa ating talaka-
yan, paano mo ilalarawan
ang ating komunidad noon
at ngayon? (kayarian ng
bahay,ilog,kapaligiran,
kalsada)
Alin ang iyong mas
nagustuhan mo,
Komunidad noon o
ngayon? Bakit?
• Nakatulong ba ang
mga pagbabagong
naganap sa ating
komunidad sa ating pang
araw-araw na pamumuhay
ngayon? Paano?
Paglalahat:
- Ano ang natutuhan ninyo
sa ating aralin?
- Ano-anong mga
pagbabago ang inyong
nalaman o nakita?
- May pagbabago ba sa
kayarian ng bahay
noon at ngayon?
- Sa kalsada?
- Sa ilog at iba pang
anyong tubig?
Pagtataya
Isulat ang kung ang
sinasabi o inilalarawan ay
tungkol sa komunidad
noon at isulat ang
kung hindi.
__1. Malawak ang tani-
man sa komunidad noon.
__ 2. Malalaki ang mga gusali
sa komunidad noon.
__3. Maraming tao ang nanini-
rahan sa komunidad noon.
__4. Pagasasaka at
paghahayupan ang
hanapbuhay ng mga tao
noon sa komunidad.
__5. Ang pinagmulan ng
komunidad ay may kinalaman
sa taong naninirahan dito.
Takdang Aralin:
Alamin ang pagbaba-
gong naganap sa komunidad
na kinabibilangan. Magtanong
sa inyong mga magulang.
Iguhit ito sa kwaderno.

Das könnte Ihnen auch gefallen