Sie sind auf Seite 1von 33

ARALIN 3.

3
Ang mga Wika at
Diyalekto sa Aming
Lalawigan at Rehiyon
Tagalog-ang pangunahing
wika ng mga naninirahan sa
gitna at katimugang bahagi ng
Luzon, CALABAZON,
MIMAROPA, Rehiyon III at
NCR o National Capital Region
Tagalog ang
pinagbatayan ng wika
dahil Filipino ang
wikang pangkalakalan.
Sagutin ang sumusunod na mga
tanong:
1. Saang bahagi ng Pilipinas
sinasalita ang wikang Tagalog?
2. Nagkakaintindihan ba ang
mga tao kapag magkaiba ang
wikang ginagamit?
3. Bakit Tagalog ang nagging batayan
ng wikang pambansa?
4. Ano ang maaari mong imungkahi
kapag hindi kayo nagkakaintindihan?
5. May pagkakataon bang hindi mo
naintindihan ang wikang Tagalog?
Bakit at ano ang ginawa mo?
GAWAIN A:
Hanapin sa Hanay B ang
kahulugan ng diyalekto na
nasa Hanay A. Isulat ang
titik ng tamang sagot.
_____ 1. burukal a. sandok
_____ 2. tiririt b. kalamansi
_____ 3. sintones c. ibon
_____ 4. tarangkahan d. bukid
_____ 5. mura e. imbudo
_____6. sagmaw f. plato
_____7. silok g. buko
_____8. pasimano h. pintuan
_____9. titingki i. wheeler
_____10. linang j. durungawan
k. kaning-baboy
l. ilawan
E 1. burukal a. sandok
C 2. tiririt b. kalamansi
B 3. sintones c. ibon
H 4. tarangkahan d. bukid
G 5. mura e. imbudo
K 6. sagmaw f. plato
A 7. silok g. buko
J 8. pasimano h. pintuan
L 9. tiringki i. wheeler
D 10. linang j. durungawan
k. kaning-baboy
l. ilawan
GAWAIN B:
Hanapin ang mga
kahulugan ng mga
diyalektong nasa ibaba
sa loob ng kahon.
1. naggamas-___________________
2. umigib- ____________________
3. nag-atag- ___________________
4. naliyo- ___________________
5. nagdayag- ___________________
6. naglukad-___________________
7. sumaka-___________________
8. nag-impis-___________________
9. nakipagdyaryo-______________
10. nagburuti-___________________
Nag-alis ng damo Naghugas ng pinggan
Nagwala Pumunta sa bayan
Sumalok ng tubig Nahilo
Kumuha ng ani Nagkopra
Nagbayanihan Pumunta sa bukid
Natuwa Nagbenta ng alahas
nakipaglamay Naglinis
Tamang sagot:
1. naggamas-___________________
Nag-alis ng damo
2. umigib- ____________________
Sumalok ng tubig
3. nag-atag- ___________________
Nagbayanihan
4. naliyo- ___________________
Nahilo
5. nagdayag- ___________________
Naghugas ng
pinggan
6. naglukad-___________________
Nagkopra
7. sumaka-___________________
Pumunta sa bukid
8. nag-impis-___________________
Naglinis
9. nakipagdyaryo-______________
nakipaglamay
10. nagburuti-___________________
Nagwala
Tamang sagot:
1. burukal-imbudo
2. tiririt-ibon
3. sintones-kalamansi
4. tarangkahan-pintuan
5. mura-buko
6. sagmaw-kaning baboy
7. silok-sandok
8. pasimano-durungawan
9. tiringki-ilawan
10. linang -bukid
Aralin 4: Nakikilala
ang Kultura ng Aking
Rehiyon sa Aming
Makasaysayang Lugar
May mga lugar na maituturing
na saksi ng mga naganap sa isang
lalawigan o rehiyon. Ang mga
lugar na ito ang nagsisilbi tanda
ng mga pangyayari na naganap
sa isang takdang panahon.
1. EDSA lakas tao/EDSA People Power
Ito ay ang panahon na nagprotesta ang mga
tao laban sa pang-aapi ng pamahalaan na
pinamumunuan ni Pangulong Ferdinand
Marcos. Nagkaroon ng kilos protesta ang
milyong milyong mga Pilipino sa kahabaan
ng EDSA. Sa ngayon makikita sa Ortigas
Triangle ang isang malaking bantayog
kasama ang Simbahan ng Reyna ng
Kapayapaan. Ang bantayog na ito ay
nagsisilbing alala ng pangyayari sa EDSA
noong 1986. Nakasulat sa bantayog ang
pangako ng sumunod na presidente na si
Corazon Aquino na pangalagaan ang
demokrasyang Pilipino. Ang ibig sabihin
nito ay ang pamahalaan ang mangangalaga sa
kalayaan ng bawat isang Pilipino.
Makasaysayang Pook at Pangyayari sa Rehiyong
CALABARZON
Ang Calamba ay ipinagmamalaki ng Laguna
dahil dito isinilang ang ating pambansang bayani
na si Dr. Jose Rizal noong ika-19 ng Hunyo 1861.
Makikita sa Rizal Shrine ang pamumuhay ng mga
taga Calamba noong panahon ng pananakop ng
mga Espanyol. Makikita rin dito ang tahanan at
mga kagamitan ni Dr. Rizal at ng kanyang
pamilya.
Ang bayan ng Pila ay ipinagmamalaki
din ng Laguna dahil dito makikita ang
impluwensya ng mga Espanyol at
Amerikano sa kultura ng mga tao.
Mamasdan sa buong bayan ang
mayamang istruktura na naitatag noong
panahon ng mga Espanyol hanggang
panahon ng mga Amerikano.
Ang Cavite ay naging kilala rin sa isa sa mga
makasaysayang pook dito, ang Emilio Aguinaldo
Shrine kung saan idineklara ni Emilio Aguinaldo
ang kalayaan ng bansa sa kolonya ng Espanya
noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Sa kaunaunahang
pagkakataon dito rin iwiniwagayway ang bandila
ng Pilipinas na ginawa ni Marcela Agoncillo at
tinugtog ang Martsa de Filipinas o Lupang
Hinirang na obra ni Julian Felipe at tinugtog ng
Banda ng Malabon.
Ang lalawigan ng Rizal ay hindi lamang tanyag sa
likas yaman na kagandahan, mayroon din itong ambag
sa kasaysayan ng ating bansa. Sa Rizal naganap ang isa
sa mga huling laban ng mga Espanyol noong
rebolusyon ng mga Pilipino ng 1896. Itinayo noong
1880-1881 sa ilalim ng pamumuno ni Mauricio Mata
Cruz, ang gobernadorcillo ng Pueblo de Morong ang
“La Commandancia”. Ang La Commandancia ay ang
pamahalaan ng Distrito Politico Militar de Morong na
pinamumunuan ng isang gobernador-militar noong
panahon ng Espanyol. Ang istruktura ay halos nasira
noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang mga taga-Batangas ay hindi lamang kilala na
matatapang kung hindi sa malalim na pananampalataya sa
Diyos. Makikita ang mga naglalakihang at antigong mga
simbahan sa mga bayan nito. Isa na dito ang tanyag na Basilica
de San Martin de Tours na itinayo sa Bayan ng San Nicolas
noong 1575. Ito ay nasira dahil sa Pagputok ng Bulkang Taal.
Noong 1755 ito ay muling itinayo ng mga Agustinong
misyonero kung saan ito matatagpuan sa kasalukuyan. Noong
1849 ito ay muling nasira dahil sa lindol. Muli itong itinayo
noong 1856 – 1865 sa panahon ng pamumuno ni Fray Marcos
Anton. Sa ngayon, ang basilica de San Martin de Tours ay
itinuturing na pinakamatanda at pinakamalaking simbahan sa
buong rehiyon.
Gawain A
Pagtapat-tapatin ang mga
sumusunod na makasaysayang
pook sa rehiyon sa hanay A at
hanay B. Isulat ang letra ng
tamang sagot sa papel.
A B
1. Itinayo noong a. Basilica de San
1582 bilang Martin de Tours
pinakamalaki at b. Bayan ng Pila
pinakamatandang c. La Commandancia
simbahan sa d. San Diego de
Quezon Alcala
e. Emilio Aguinaldo
Shrine
A B
2. Naging a. Basilica de San
makasaysayan dahil Martin de Tours
sa pagdeklara ni b. Bayan ng Pila
Andres Bonifacio c. La Commandancia
ng Kalayaan ng d. San Diego de
Pilipinas noong Alcala
Hunyo 12, 1898. e. Emilio Aguinaldo
Shrine
A B
3. Makikita ang a. Basilica de San
halimbawa ng Martin de Tours
imprastraktura at
b. Bayan ng Pila
disenyo ng mga bahay
at establismento bayang c. La Commandancia
ito na ginawa noong d. San Diego de
panahon ng mga Alcala
Espanyol. e. Emilio Aguinaldo
Shrine
A B
4. Nagsilbing bahay- a. Basilica de San
pamahalaan noong Martin de Tours
1880-1881 sa b. Bayan ng Pila
pamumuno ng c. La Commandancia
gobernadorcillo na si d. San Diego de
Mauricio Mata Alcala
Cruz. e. Emilio Aguinaldo
Shrine
A B
5. Itinuturing na a. Basilica de San
Martin de Tours
pinakamalaki at b. Bayan ng Pila
pinakamatanda c. La Commandancia
ng simbahan sa d. San Diego de
Alcala
silangan. e. Emilio Aguinaldo
Shrine

Das könnte Ihnen auch gefallen