Sie sind auf Seite 1von 8

Balinese ng

Indonesia
 Sila
ay matatagpuan sa
kapuluan ng Bali, Lombok at
kanlurang bahagi ng Sumbawa
sa Indonesia. Hinduismo ang
karaniwang rehiyon nila.
 Ang kultura ng Balinese ay nag-uugat sa
espiritwalidad, relihiyon, tradisyon at
sining.

 Para sa mga Balinese ang relihiyon ay


sining.
 Karamihan sa mga Balanise ay magaling
sa sining. Ginagamit nila ang kanilang
libreng oras sa pagpipinta, paghahabi,
paglililok, at paglalagay ng iba’t ibang
dekorasyon sa mga pampublikong lugar,
at maging sa kanilang mga tahanan.

 Kaya’t hindi nakapagtatakang ito ay


karaniwang dinarayo ng mga turista dahil
sa makukulay na sining, tradisyon,
magagandang dalampasigan, at ang
mainit na pagtanggap ng Balinese sa
kanilang mga bisita.
 Hindi rin pinalampas ng mga turista na
masaksihan ang tradisyonal nilang sayaw
kung saan ang galaw ng mata at kamay,
maging ekspresyon ng mukha ay
mahalaga.

 Lahat ng bagay na makikita sa Bali ay


may kinalaman sa kanilang paniniwala sa
mga diyos at diyosa, at mga ispiritu
mabuti man o masama. Para sa mga
Balinese ang araw, puno, palayan, at
maging mga bato ay may ispiritu. Kaya’t
sila ay nakikipamuhay nang maayos sa
mga ito.
 Bukod sa turismo, pinagkukunan din ng
kabuhayan ng mga Balinese ang
pagsasaka dahil sa matabang lupa at
mainam na klima ng lugar. Karaniwan
nilang pananim ay palay, tsaa, kape,
tabako, cacao, niyog, gulay, at
prutas.Maunlad din ang industriya ng
pangisdaan at pagtatanim ng seaweeds.
Dalawang mahalagang samahan
ng Balinese:
 Subak – samahang pang-irigasyon na
ang pangunahing tungkulin ay
pagandahin, pagyamanin at isaayos ang
mga gawaing pang-agrikultural ng
pamayanan.

 Banjar – ang pagsasaayos ng mga


gawain sa pamayanan gaya ng kasal,
libing, at pagsasaayos ng mga templo.
Thank you for listening

By: Janiah Shane P. Mahinay
Godwin Charles Malicse

Das könnte Ihnen auch gefallen