Sie sind auf Seite 1von 25

GE 12:

Mga Anyo ng Kontemporaryong


Panitikang Filipino

Propesor/Guro: Anton Lorete


KALIGIRANG KASAYSAYAN NG
PANITIKAN NG MATANDANG PANAHON
K-W-L Chart
ANO ANG IYONG ALAM ANO ANG IYONG NAIS ANO ANG IYONG
MALAMAN NATUTUNAN
Kapaligirang Pangkasaysayan
Sinasabi na noong unang
panahon, nagkaroon ng
iba’t-ibang migrasyon sa
Pilipinas na siyang
pinagmulan ng ating mga
ninuno.
NEGRITO O ITA
Sila ang mga unang nanirahan sa Pilipinas.
Sinasabing nakarating sila sa lugar na ito sa
pamamagitan ng tulay na lupa. Sila ay nangaso at
namitas ng mga bunga para mabuhay. Ang
kanilang panitikan ay binubuo ng mga awitin at
pamahiin
Indonesyo
Ang mga unang sapit na Indonesyo ay mapuputi at manilaw-
nilaw ang balat dahil may lahing Mongol at Kaukau. Sila’y
marunong nang mamahay ng sarili, magtanim ng halaman at
mangisda. Makalipas ang 4000 taon ay dumating naman ang
ikalawang sapit na Indonesyo. Naiiba ang kanilang hitsura sa
nauna at mas nakahihigit sa kalinangan. Sila ay may sarili
nang sistemang pamahalaan, may mga hanapbuhay,
marunong magluto ng pagkain at may dalang panitikan gaya
ng epiko, kuwentong bayan, alamat, pamahiin at
pananampalatayang pagano. Sinasabing sila ang mga ninuno
ng mga Ipugaw.
Malay
Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas.
unang pangkat - Sila ay nagdala ng kanilang
pananampalatayang pagano at awiting
panrelihiyon
ikalawang pangkat - May dala silang wika,
alpabeto, awiting bayan, kuwentong bayan, mga
alamat at mga karunungang bayan. Sila rin ang
nagdala ng barangay at naging ninuno ng mga
Tagalog, Bisaya , Ilokano at iba pa
Malay
Ikatlong pangkat - Malay na Muslim. Nagdala sila
ng epiko, alamat, kuwentong bayan at
pananampalatayang Islam. Sa panahong ito ay
nagsimula nang makipagkalakalan ang Pilipinas sa
mga karatig-bansa nito. Dahil nagkaroon rin ng
palitan ng kultura sa kalakalan, nagdala ito ng mga
impluwensya sa panitikan.
Intsik
• Dahil sa dalang wika kaya mahigit 600 salitang Intsik
ang naging bahagi ng wikang Pilipino. Ilan sa mga ito
ay: susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa, bakya, tingi,
Ingkong, Impo, bayaw, kuya, diko at sangko.
Bumbay
• Sila ay nagdala ng pananampalatayang Bramanistiko
at panitikang epiko, awiting bayan at liriko. Marami
ring salitang Bumbay ang naging bahagi ng wikang
Pilipino tulad ng guro, bansa, mukha, likha, hukom at
dukha.
Arabo at Persiyano
• Nagdala sila ng mga epiko, kuwentong bayan, dula at
alamat
Mga Akdang Lumitaw
• Ang mga akda noon ay nahahati sa dalawang uri:
kuwento at tula
Mga Kuwento

Alamat- mga kuwento na nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga


bagay, pook o pangyayari.
hal.
• Alamat ng Bigas
• Alamat ng Bundok Kanlaon

Mito- tulad ng alamat na nagsasalaysay ng mga pinagmulan


ngunit gumagamit ng mga diyos at diyosa bilang tauhan.
hal.
• Si Malakas at si Maganda
• Buwan at Araw
Mga Kuwento

Alamat- mga kuwento na nagsasalaysay sa pinagmulan ng mga


bagay, pook o pangyayari.
hal.
• Alamat ng Bigas
• Alamat ng Bundok Kanlaon

Mito- tulad ng alamat na nagsasalaysay ng mga pinagmulan


ngunit gumagamit ng mga diyos at diyosa bilang tauhan.
hal.
• Si Malakas at si Maganda
• Buwan at Araw
Mga Kuwento

Kuwentong Bayan- mga kuwentong naglalarawan ng


mga kaugalian, pananampalataya at
suliraning panlipunan ng mga katutubo.
hal.
- Juan Tamad (Tagalog)
- Abunawas (Muslim)
Mga Kuwento
Epiko- tulang pasalaysay na karaniwang tungkol sa
pakikipagsapalaran, katapangan at
kabayanihan ng isang bayani.
hal.
- Biag ni Lam-Ang (Iloko)
- Ibalon (Bikol)
- Maragtas (Bisaya)
- Bantugan (Maranaw)
- Tuwaang (Bagobo)
Mga Kuwento
Pabula- kuwentong gumagamit ng mga hayop bilang
tauhan at naglalaman ng leksyong moral.
hal.
- “Ang Gamu-gamo”
Mga Tula
Awiting Bayan- nagpapahayag ng damdamin,
kaugalian, karanasan, pananampalataya at gawain
o hanapbuhay ng mga taong nakatira sa isang pook.
Sapuso ito ng ating mga katutubo. Sa
katunayan, sila ay umaawit habang naglalayag,
nagsasaka, nagkakatuwaan at nagluluksa sa patay.
Mga Tula
Halimbawa ng Awiting Bayan:

• Dalit- awit panrelihiyon na tungkol sa debosyon,


paghingi ng tawad, pagpapagaling sa maysakit,
paghingi ng kasaganahan sa buhay, bukid at dagat.
• Diona- awit sa kasal
• Kumintang- awit pandigma
• Kundiman- awit ng pag-ibig
Mga Tula
Halimbawa ng Awiting Bayan:

• Suliranin- awit sa pamamangka


Mga Karunungang Bayan
Madalas nagpapalitan ng kaisipang-bayan ang mga
katutubo sa kasal, piyesta, binyagan at burol.

• Bugtong- maikling tula na nagpapahula ng isang


bagay sa pamamagitan ng paglalarawan
Hal:
1. Isang butil palay, Laganap sa buong bahay. –
ilaw
2. Bahay ko sa gulod, Iisa ang tukod. – kabute
Mga Karunungang Bayan
Salawikain- isang patalinhagang pahayag na ginagamit ng
matatanda noon upang mangaral at
akayin ang mga kabataan sa mabuting asal.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, Hindi makakarating sa pinaroroonan.

Kawikaan- patulang panunukso o panunudyo


Malakas nga ang loob,
Mahina naman ang tuhod
Ika’y isang lalaking matapang
Huni ng tuko ay kinatatakutan
Mga Karunungang Bayan
Palaisipan- nasa anyong patula na humihingi ng
kalutasan sa isang suliranin

Sa isang kulungan ay may 5 baboy na inaalagaan si


Mang Juan pero lumundag ang isa. Ilan ang natira?
- 5 parin dahil lumundag lang naman yung isa
Sistema ng pagsulat
Ang baybáyin ang sinaunang alpabeto ng mga Filipino
bago pa dumating ang mga Español at maituro ang
alpabetong Romano. Mula ito sa salitâng “baybáy” ng
mga Tagalog na nangangahulugan ng lupaing nása gilid
ng dagat at ng “pagbaybáy” na nangangahulugan ng
ispeling.

Ang baybayin ay nása anyong pantigan na


may tatlong patinig (a,e-i,o-u) at umaabot sa
14 katinig.
Sistema ng pagsulat
ALIBATA
• Alpabetong Arabiko tulad ng pagkakakilala sa
Silangan, Hango sa unang dalawang titik sa Arabiko
Alif (a) at bata (b)

Das könnte Ihnen auch gefallen