Sie sind auf Seite 1von 8

BAHAGI NG PANANALIKSIK

A. Panimula
Ang pangunahing layunin ng panimula ay magbigay ng paglalarawan sa tinutukoy ng
suliranin ng pananaliksik. Sa bahaging ito ay maaaring talakayin ang kaliguran ng
pananaliksik, layunin ng pananaliksik, layunin ng pananaliksik kahalagahan ng suliranin at
ang mga katanungang kailangan bigyang-katugunan sa gagawing pananaliksik.
May tatlong mahalagang bahagi ang isang panimula upang maituring na mahusay. Ito ay
ang:
O Rasyunal
O Layunin
O Mga katanungang
Ang panimula ay karaniwang nagtatapos sa katanungan. Ang mga katanungang it ay
kailangang:
O May kaugnayan sa layunin ng pananaliksik
O May pokus
O Malinaw
“Thesis Statement”
Ang thesis statement ay isang matapang na pahayag na maaari mong mapatunayan
sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga ebidensiya. Ito ay hindi lamang pagpapahayag
nga katotohanan. Ito ay dapat nga bunga nga sariling pag-iisip matapos na
makapagsagawa nga pananaliksik. Ito ang magsisilbing pangunahing ideya ng
pananaliksik.
B. Kaligiran pangkasaysayan
Ito ang bahagi ng pananaliksik na tumutugon sa katanungang, “ano ang ginagawa ng
ibang mananaliksiksik hinggil sa paksa?”
Mahalaga ang bahaging ito sa pangungumbinsi sa mga magsasagawa ng kanilang pag-
aaral na ang pananaliksik ay mahalaga.
Ang bahaging ito ay kailangang malaman ng mga sumusunod na impormasyon ukol sa
paksa na pinag-aaralan at kung bakit ito ay laganap, seryoso at mahalaga.
C. Balangkas teoretikal
Sa bahaging ito ng pananaliksik tinatalakay ang mga nagawa ng iba’t ibang manunulat
at siyentipiko at iba pang eksperto sa isang particular na larangan. Binibigyang-
pagpapahalaga sa bahaging ito ang ilang mga batas, prinsipyo, paglalahat, mga
konsepto, pagpapakahulugan at mga teorya na maaaring maiangkop sa ginagawang
pag-aaral.
D. Balangkas konseptwal
Hindi mabubuo ang balangkas konseptwal ng walang balangkas teoretikal. Ang
balangkas konseptwal ay nagpapakita kung ano ang nais na patunay o panubalian ng
ginagawang pag-aaral. Ang ugnayan sa pagitan ng malayang baryabol at di-malayang
baryabol ay malinaw na naipakikita sa pamamagitan ng balangkas konseptwal o paradigma.
E. Paglalahad ng suliranin
Ang paksa ng pananaliksik ang batayan sa pagbubuo ng paglalahad ng suliranin.
Ang paksa at ang paglalahad ng suliranin ay maaaring magkatulad sa kabilang banda
subalit sa ilang aspekto at baryasyon ay nagkakaroon ito ng pagkakaiba.
Buhat sa pangkalahatang suliranin na inilalahad sa bahaging ito, mag-uugat ang mga
kasangay na suliranin upang lalong matiyak na mabibigyan ng tugon ang suliraning
nakaugnay sa paksa ng pananaliksik.
Dito umiikot ang pag-aaral, dahil kung walang paglalahad ng suliranin, walang
magaganap na pananaliksik.
F. Haypotesis
Mahalagang bahagi ng pananaliksik ang haypotesis. Ito ang bahagi ng pananaliksik na
nakatutok sa pagbibigay ng pediksyon sa maaaring tugon sa mga katanungan na
nakapaloob sa pananaliksik.
G. Kahalagahan ng pag-aaral
Tinitiyak ng bahaging ito ng pananaliksik ang makikinabang nang higit sa
isinasagawa o naisagawang pananaliksik. Bunga nito ang pag-iimbestiga na maaaring
mag-ambag o magpaunlad ng karunungan.
H. Saklaw at limitasyon
Nagtataglay ito ng dalawang talata. Ang unang talata ay naglalaman ng saklaw ng pag-
aaral, habang ang ikalawang talata ay tumutukoy naman sa limitasyon ng pananaliksik.
Tinatalakay sa bahaging ito ng pananaliksik ang maaring sasaklawin ng mga pag-aaral.
Sapagkat hindi ito perpekto ang isang pananaliksik gaya ng mga likhang sining, maaari
itong sumailalim sa iba't-ibang kritisismo't puna kaya't marapat na bigyang-halaga ang
limitasyon ng pag-aaral.
I. Katuturan ng mga salitang ginamit
Binigyan ng tiyak na pagpapakahulugan ang mga salitang may malalim at malawak na
teksto. Lalong higit kung ang pananaliksik ay gumagamit ng mga espesyal o teknikal na
terminolohiya na maaring hindi madaling maunawaan ng karamigan sa mga mambabasa.
Ito ay tumutukoy sa kotekstwal na kahulugan ng mga baryabol sa pag-aaral. Tandaan na
ang pagkakaroon ng iba't ibang respondante at mambabasa ay nakalikha ng iba't ubang
kahulugan batay sa karanasan at pag-unawa ng mambabasa kaya mahalagang mabigyan
ng pagpapahalaga ang mga salitang ginagamit sa pananaliksik.

ARALIN 11: METODO


Metodo ng Pananaliksik
Ito ay tumatalakay sa iba’t ibang paksa tulad ng disenyo at pamamaraan ng
pananaliksik, anyo at uri ng pananaliksik, lugar ng pananaliksik, mga kalahok o
tagatugon, instrument ng pananaliksik, paraan ng pangangalap at intepretasyon ng mga
datos, balidasyon at pagpapatibay ng instrument at konsiderasyong etikal.
Bahagi ng Metodo
A. Disenyo ng Pananaliksik D. Instrumentong Gagamitin
B. Pook (quali) Lokal (quanti) ng E. Hakbang sa Pangangalap ng
Pananaliksik Datos
C. Kalahok (quali) Respondente F. Estadistikang Gagamitin (quanti)
(quanti)
G. Etikal na Pagsasaalang-alang
A. Disenyo ng Pananaliksik
 Ang disenyo ng pananaliksik ay ang balangkas ng mga pamamaraan na gagamitin
upang maisakatuparan ang pananaliksik.
 Kinakailangang angkop na dulog at estratehiya sa paglalahad.
Dalawang Anyo ng Pananaliksik

 Ayon kay Cresswell (2003), mayroong dalawang pangunahing research


paradigms – qualitative at quantitative.
 Ang dalawang uri ng pananaliksik ay magkaiba ang gamit batay sa hinihingi ng
suliranin ng pag-aaral.
Kuwantitatibo (Quantitative)
• Ang kwantitatibo ay obhektibo, gumagamit ng istatistika, sumusubok ng
mga teorya at haypotesis, sinisipat ang koneksiyon ng mga salik at relasyon
nito sa bawat isa (Cristobal at Dela Cruz, 2017).
• Sa anyong ito ng pananaliksik, may pormulang kailangang sundin
(korelasyon, ebalwasyon, komparatibo).
• Ginagamitan ng mga nasusukat at nakabalangkas na pamamaraan gaya ng
sarbey, eksperimentasyonnat pagsusuring estadistikal.
Uri ng kuwantitatibong pananaliksik
1. Eksperimental- Ito ay sumasagot sa tanong na “paano kung”. Sinisikap na
bigyan-linaw sa ganitong uri ng pag-aaral ang koneksiyon sa mga sanhi o
dahilan. Pagpapaliwanag kung ang isang ineterbensiyon ay nakaiimpluwensiya
sa isang kinalabasan para sa isang pangkat na taliwas sa ibang pangkat.
2. Korelasyunal- Pag-uugnay sa isang hinuhulaan na pattern para sa isang
pangkat ng mga indibiduwal. Isang disenyo na makatutulong s amga
mananaliksik na maitaguyod ang isang ugnayan sa pagitan ng dalawang malapit
na magkakaugnay na baryabol.
3. Sarbey- Sa aklat ni Check at Schutt (2012, salin), ang pagsasaliksik na sarbey
ay isang sistematikong pagsisiyasat. Sa madaling salita, ito ay isang uri ng
pagsasaliksik na isinagawa sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga talatanungan
na may mga iskala upang sukatin ang mga pananaw, idea, pagtanggap, mga
dahilan na nauugnay sa mga salik, baryabol at iba pa na mula sa tagatugon.
Karaniwang ginagawa ang sumusunod:
1. pagdidisenyo ng mga instrument (Talatanungan) para sa koleksiyon ng datos;
2. pagkolekta ng datos sa pamamagitan ng mga talatanungan (questionnaire) o
panayam;
3. pagtatalaga ng tiyak na bilang ng tagatugon at pagtugon ng mga ito;
4. paglalarawan ng mga datos sa pamamagitan ng deskripsiyon at
interpretasyon;
5. pagpapaliwanag o pagtalakay ng resulta batay sa deskripsiyon at
ineterpretasyon;
6. pagpapatibaay sa resulta sa pamamagitan ng malawak na pagbabasa at
resulta ng mga nauna nang naisagawang pananaliksik.
4. Pagkilos- Sa uring ito, inilalarawan at tinatasa ng isang mananaliksik ang
tiyak na kalagayan, pamamaraan, modelo, polisiya, at iba pang layuning palitan
ito ng mas epektibong pamamaraan.
Kuwalitatibo (Qualitative)
• Nakatuon sa mga uri ng pagsisiyasat na ang tunguhin ay unawain ang
ugnayan ng mga tao at pag-uugali at pati na ang dahilan na gumagabay dito.
• Gumagamit ng masinop na pananalita upang ilarawan at ilahad ang analisis
sa suliranin.

Uri ng kuwalitatibong pananaliksik


1. Etnograpiya
- Pagtuklas at pag-imbestiga sa ibinahaging kultura ng isang pangkat ng mga tao.
- Pagsusuri ng pag-uugali, paniniwala, pamumuhay at wika ng isang komunidad.
- Ang koleksiyon ng mga datos ay ayon sa karanasan mula sa kapaligiran ng
pinagkukunan at pakikisalamuha rito.
2. Grounded Theory-
-Isang pamamaraan na ginagamit upang makabuo ng sistematikong teorya na
nagpapaliwanag sa isang malawak na antas ng konsepto, at sa proseso tungkol sa
isang pangunahing paksa.
-Nagbibigay ng balangkas na nauugnay sa pag-aaral na makatutulong sa mga
mananaliksik na maunawaan ang isang phenomenon na pinag-aralan.
3. Naratib
-Pagtuklas sa mga indibiduwal na kuwento upang ilarawan ang buhay ng mga tao.
Nakatuon ito sa karanasan ng bawat isa. Iniuulat ang pagkakasunod-sunod ng mga
karanasan na umaayon sa maayos na pagtala kaugnay ng oras ng pangyayari.
4. Pag-aaral ng Kaso
-Ito ay isang malawakang pag-aaral sa isang aklat, karanasan o pangyayari.
-Ito ay ukol din sa masusing pagkalap ng mga maaaring nangyayari sa isip ng isang
pasyente sa klinika, usaping panghukuman at isang takdang suliranin.

B. Pook/Lokal ng Pananaliksik
• Ang lugar ng pananaliksik ay tumutukoy sa lugar o pook na nasasakop at
pagkukuhanan ng datos ng pananaliksik (Almario, et al (2016).
• Kadalasang inilalahad dito ang demograpikong katangian ng populasyong
naninirahan at topograpiya o mapa na katatagpuan ng lugar at ang kaugnayan nito
sa pag-aaral.
C. Tagatugon o Kalahok sa Pag-aaral
• Tumutukoy sa mga magiging sabjek sa gagawing pananaliksik.
• Kadalasang ginagamit sa kuwalitatibong anyo ng pananaliksik ang terminolohiyang
kalahok o participant sa Ingles dahil madalas na ang ginagampanan nila ay pagsagot
sa mga tanong sa interbyu.
• Tagatugon o respondent naman sa kuwantitatibo.

Paano pipiliin ang respondent?


• Ang respondent ay mapipili sa pamamagitan ng sampling.
sampling- proseso na isasagawa sa pagpili ng gagawing kinatawan ng isang populasyon o
grupo.
• Kailangang ipakilala at ilatag ang dahilan kung bakit napili ang mga respondent bilang
sabjek.
Probability vs Non-probability Sampling
• Sa probability sampling, may kaalaman ang mananaliksik sa pag-asa ng bawat
indibidwal na mapili sa gagawing pag-aaral.
• Sa probability sampling, may
kaalaman ang mananaliksik sa
pag-asa ng bawat indibidwal na
mapili sa gagawing pag-aaral.
Simpleng random sampling
• Kilala rin sa tawag na lottery
teknik o paraang fishbowl kung
saan lahat ng mga kalahok na
indibidwal ay may pag-asang
mapili.
• Maaaring mapili ang sampol sa
pamamagitan ng table of random numbers.
Sistematikong sampling
• Pinipili ang kalahok sa pamamagitan ng paggawa ng interval mula sa
kumpletong listahan ng tiniyak na populasyon sa pag-aaral.
Stratified sampling
• Pagpili sa kalahok sa pamamagitan ng paggugrupo ng mga indibidwal batay sa
katangian tulad ng kasarian, edad, edukasyon, tirahan, hanapbuhay, at iba pang
mga factor.
• Pagkatapos maigrupo saka pipili ng representatibong kalahok.
Cluster sampling
• Pinipili ang kalahok hindi mula sa indibidwal na kalahok kundi ang buong grupo
mula sa isang tiyak na lugar.
Uri ng non-probability sampling

1. Purposive sampling
• Sabjektiv, mapamili at ang panghuhusga ay nakabatay sa mananaliksik.
2. Convenience sampling
• Ginagamit kung nais mapadali ang pagkuha ng mga respondent. Maaaring
gawing respondent ang sinomang makita sa araw na itinakda.
3. Quota sampling
 Maaaring gamitin kung naisn na maging proporsiyon o balanse ang bilang ng
mga respondent na may magkatulad na katangian.
4. Snowball sampling
 Ginagamit sa pagrekrut ng mga respondent sa iba pang mga respondent na may
potensiyal ayon sa itinakdang krayterya.

D. Kasangkapan o Instrumentong Gagamitin

 Ang mga kasangkapan/ instrument ay nakabatay sa pamamaraang gagamitin,


layunin ng pananaliksik, estadistikal na kahalagahan, at sample size.
1. Interbyu/ Panayam
2. Talatanungan
3. Focus Group Discussion
4. Obserbasyon/Pagmamasid
Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos
Pagmamasid o obserbasyon

 Ang mga mananaliksik ay nagmamasid sa lugar ng kanyang pananaliksik. Ang


pamamaraang ito ay maaaring gamitin sa mga imbestigasyong palarawan o
eksperimental, ngunit hindi sa pag-aaral na pangkasaysayan.
Pakikipanayam o interbyu

 Kawili-wili at kapanapanabik na gawain ng pagkuha ng mga impormasyon sa tulong


pagtatanong sa mga tao o awtoridad na may kinalaman o may malaking maitutulong
sa ginagawang pananaliksik
Gabay sa mga mananaliksik ukol sa wastong pagpili ng taong iinterbyuhin

 Ito ay ang taong may pinakamahusay na awtoridad sa larangang pinag-aaralan.


Nagtataglay siya ng malawak na kaalaman para sa paksa.
Siya ay dapat na mapagkakatiwalaan.
May sapat na panahon para sa interbyu.
Talatanungan o kwestyoner

 Naglalaman ng mga katanungan na humihingi ng impormasyon at maaaring


sumubok sa kaalaman ng mga respondante.
Dalawang uri:
1.Bukas na talatanungan  Kadalasang ginagamit dahil
ang bawat tanong na
 Binubuo lamang ng mga
nakasulat dito ay may kalakip
tiyak na katanungan.
na mga sagot na pagpipilian
ng mga kalahok.
2. Saradong talatanungan

Ang isang talatanungan ay kinakailangang:


Maikli hangga’t maaari.
naglalaman ng mahalagang paksa.
tama ang pagkakabuo ng mga pangungusap.
simple, at hindi maligoy at abot sa pang-unawa ng respondent.
malinis at presentable,

E.Hakbang sa pangangalap ng datos


Inilalahad dito ang mga tiyak na proseso/hakbang na isinagawa ng mananaliksik sa pagkalap
ng datos mga datos.
F. Estadistikang gagamitin
Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga numerikal na datos
ay mailalarawan.
G.Konsiderasyong etikal
Sinisigurado sa bahaging ito na ang mananaliksik ay nagging responsible sa lahat ng pagkilos o
gawain sa isinagawang pag-aaral.
ARALIN 12: RESULTA
Kuwalitatibo
• Kasiyahan Kuwantitatibo
• Kasarian
• Edad
• Marital status
• Score sa test
• Estratahiya sa pagturo
• Populasyon ng ndmu
• Varyasyon ng wika
• Bahagdan ng seminar na dinaluhan
• Relihiyon
Klasipikasyon ng Datos
Ang klasipikasyon ng datos ay proseso ng pag-oorganisa ng datos sa pamamagitan ng mga
kategoryang kaugnay nito upang magamit ito nang mahusay.
A. Kuwalitatibo C. Heograpikal
B. Kuwantitatibo D. Kronolohikal
A. Kuwalitatibo
Ito ay ang mga magkakaparehas na katangian o uri na sama-samang pinangkat. Ito ay
datos na nakalap sa pamamagitan ng talatanungan, panayam, obserbasyon at
kadalasan ay nasa anyong naratibo.
B. Kuwantitatibo
Datos na pinangkat ayon sa dami. Ang datos na ito ay maaaring mabilang o
maihambing sa pamamagitan ng numeric na iskala.
Kadalasang mga datos na nakolekta sa pamamagitan ng instrument tulad ng survey
questionnaire.

C. Heograpikal
Ang mga datos ay maaaring maklasipika ayon sa lokasyon.
D. Kronolohikal
Pagklasipika ng datos ayon sa pangyayari.
Mga Organisasyon na Maaaring Gamitin sa Paglalahad ng Datos
1. Paggamit ng Talahanayan (Tabular)

 Pinakasimpleng paraan ng paglalahad ng datos. Naglalaman ito ng mga tiyak na


datos gaya ng numero, bahagdan, at iba pa na maaaring pagmulan ng kalakaran o
paghahambing.
Tandaan:
• Nakabatay sa suliranin ang talahanayan.
• Ilahad ang resulta batay sa pagkakasaunod-sunod ng suliranin.
2. Paggamit ng Graph (Graphical)
• Biswal na presentasyon na kumakatawan sa kuwantitatibong baryasyon o pagbabago
ng mga baryabol o kuwalitatibong paghahambing ng pagbabago ng isang baryabol o
mga baryabol sa anyong palarawan.
• Ang mga pinakaginagamit ay bilog na graph, linyang graph, at bar na graph.
Bilog na Graph (Pie graph)
• Biswal na presentasyon ng mga numero o bahagdan na maaaring magpakita ng
kabuoang padron, ugnayan, o kalakaran batay sa uri nito.
• Naghahambing ng mga datos sa pamamagitan ng paghahati-hati nito.
Linyang graph (Line Graph)
• Binubuo ng linyang perpendicular. Ito ay ginagamit sa pagsukat ng pagbabago o
pag-unlad. Ang patayo at ibabang linya ay may kaukulang pagtutumbas.
• Gamit ang linya at tuldok ay tinutukoy ang interbal, bilis, bagal, tagal na nakatala
sa bawat gilid.
Bar Graph
• Nagpapakita ng paghahambing ng mga datos gamit ang bar sa halip na tuldok at
linya upang tukuyin ang kantidad.
• Ginagamit upang ikumpara at ipakita ang pagkakaiba ng bilang ng bawat baryabol.
3.Tekstuwal
• Gumagamit ng patalatang pahayag upang ilarawan ang mga datos.

Das könnte Ihnen auch gefallen