Sie sind auf Seite 1von 16

Ikatlong Markahan - Modyul 3 : Pasasalamat sa kabutihang ginawa ng kapwa

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon . Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawara.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Zhalea Mona S. Liza


Editor: Louie C. Duterte, RGC, Pedro B. Cenera, Cristina A. Soliven
Tagasuri: Perlita M. Ignacio, RGC, Ph.D, Josephine Z. Macawile
Tagaguhit: Rema A. Domingo
Tagalapat: Ailene D. Ferrer
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa pilipinas, kagawaran ng Edukasyon- Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig.
Edukasyon sa Pagpapakatao
8
Ikatlong Markahan
Modyul 3
Pasasalamat sa kabutihang ginawa ng kapwa
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Pasasalamat sa Kabutihang ginawa ng
kapwa.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa
pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay inaasahan na masusundan ng mga mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto sa pamamagitan ng iba’t ibang mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras na igugol sa pag-aaral. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pang ika-21 siglo habang isinasaalang alang ang kanilang
mga pangangailangan at sitwasyon sa buhay.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o
estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-
aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang

isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.


Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Pasasalamat sa Kabutihang Ginawa ng Kapwa

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan


nito tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain.Sa tulong-aral na ito,
ikaw ang kamay na sumisimbolo nito, kaya bilang isang mag-aaral, ikaw ay may angking
kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong
pangakademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay binubuo ng iba’t ibang bahagi na ginamitan ng mga imahe (icon) na
dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN –Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK - Dito masusukat ang iyong matutuhan at


maunawaan sa mga naunang paksa.

BALIK-ARAL - Dito masusukat ang dati mong kaalaman at mga dapat


mo pang malaman sa paksa.

ARALIN - Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa aralin.

MGA PAGSASANAY - Pagbibigay ng guro ng iba’t ibang


pagsasanay na dapat sagutan ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT - Sa bahaging ito ibubuod ang mahahalagang


konsepto na dapat bigyang halaga.

PAGPAPAHALAGA - Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga


kasanayang pampagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUBOK - Dito masusukat ang mga natutuhan ng


mga mag-aaral.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

2
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng
modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi nito. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing nakapaloob
sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong sa
iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

Kaya mo ito

3
MGA INAASAHAN
Kasanayang Pagkatuto

Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o

kawalan nito.

Layunin

Sa modyul na ito , inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na kaalaman:

A. natutuklasan ang magandang dulot ng pagiging mapagpasalamat sa

kalusugan ;

B. napapahalagahan ang dulot na kaligayahan sa tao ng pasasalamat; at

C. nasusuri ang dulot ng pagiging mapagpasalamat sa buhay ng tao

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Suriing mabuti ang mga pahayag . Lagyan ng tsek (√) sa patlang kung
ang pahayag sa bawat bilang ay dulot ng pagiging mapagpasalamat.

_____1. Nakapagdaragdag ng likas na Antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga


bacteria sa katawan.
_____ 2. Mas nagiging pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na
magkaroon ng depresyon
_____3. Nagiging mas emosyonal sa pagpapahayag ng damadamin
_____4. Tumataas ang presyon ng dugo na dulot ng pagkakaroon ng high blood.
_____5. Nakapaghihikayat upang maging maayos amg sistema ng katawan sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo o pulse rate.
____6. Mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawain.

____7. Ang benepaktor ng mga donated organ na may saloobing pasasalamat ay mas
mabilis gumaling.
____8. Nagkakaroon ng poot at galit sa damdamin
____9. Nakapaghihikayat upang mamauhay nang may pagkahilig sa mga materyal
na bagay o sa kasiyahan

____10. Nagiging mapagsamantala sa kapwa.

BALIK-ARAL

Sa nakaraan nating aralin ay napag-aralan natin ang mga paraan ng


pagpapakita ng pasasalamat sa kapwa.

PANUTO: Isulat sa bawat kahon ang mga paraan ng pagpapakita ng papasalamat


sa iyong kapwa. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel.

1. 2.

3.

4. 5.
ARALIN

MGA DULOT NG PAGIGING MAPAGPASALAMAT SA KALUSUGAN NG TAO

Oo naman, ayon nga sa pag-


aaral ng Institute for Research
on Unlimited Love (IRUL),
Ate, Alam mob a na
natuklasan na may magandang
ang pagiging
dulot ng pagiging
mapagpasalamat ay mapagpasalamat sa kalusugan.
nakapagdudulot ng Alamin natin kung ano ano ang
kabutihan sa mmga ito!
kalusugan ng tao ?

MAGKAPATID NA MAPAGPASALAMAT

Nakapagdaragdag ng likas na Antibodies na


responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa
katawan. Kahit 15 minuto bawat araw
magtuon sa mga bagay na pinasasalamatan
Mas nagiging pokus ang kaisipan at may
mababang pagkakataon na magkaroon ng
depresyon

Nakapghihikayat upang maging maayos amg


sistema ng katawan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng
dugo o pulse rate

Mas malusog ang pangangatawan at mas


mahusay sa mga gawain

Ang benepaktor ng mga donated organ na may


saloobing pasasalamat ay mas mabilis
gumaling
Oo naman, ayon nga kay Sonja
Lyubommirsky,isang kilalang
sikologo sa Pamantasan ng
Ate, alam mo ba na bukod California, may walong dahilan
sa benepisyong kung bakit nagdudulot ng
naidududlot ng kaligayahan sa tao ang
pasasalamat sa pasasalamat. Tunghayan nnatin
kalusugan, nagbibigay din kung ano-ano ang mga ito!
ito ng kasiyahan sa ating
buhay?

MAGKAPATID NA MAPAGPASALAMAT

Nagpapataas ng Nakakatulong Nagpapatibay ng Tumutulong sa


halaga sa sarili upang malampsan Moral na pagkatao pagbuo ng
ang paghihirap at samahan ng
masamang gawain
kapwa

Tumutulong Nagtataguyod ito


Pumipigil sa tao Hindi sumasang- upang hindi sa tao upang
na maging ayon sa masanay sa namnamin ang
mainggitin sa iba negatibong pagkahilig sa mga mga positibong
emosyon materyal na karanasan sa
bagayo sa buhay
kasiyahan

SUGGESTION: MAGLAGAY NG MGA TANONG BATAY SA USAPAN NG MAGKAKAPATID


MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag. Ilagay ang emoji na ☺ kung
ikaw ay nasisiyahan sa pahayag at  at kung hindi. Ipaliwanag din kung bakit ka
nasiyahan o hindi nasiyahan sa pahayag.

PAHAYAG EMOJIS PALIWANAG

1. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil


hindi pinababayaan ang aming pamilya
sa tuwing may problema

2. Habang buhay kong ipagpapasalamat


ang pagsasakripisyo sa amin ng aming
magulang

3. Kahit alam kong ginagawa lang ng


guro ang kanilang tungkulin
nagpapasalamat pa rin ako sa kanilang
serbisyo sa mga mag-aaral

4. Nagpapasalamat ako sa aking mga


kaibigan na kahit anong problemang
pinagdaraanan ko patuloy pa rin akong
pinapasaya

5. Sa tuwing inihahatid kami ng ligtas ng


mga drayber sa aming paroroonan, hindi
na ako nagpapasalamat sapagkat
ginagawa lang nila ang kanilang
tungkulin.
Pagsasanay 2

PANUTO: Alalahanin ang mga karanasan o sitwasyon na kung saan nakaawa ka ng


pasasalamat. Ilagay kung ano ang naidulot nito sa iyong buhay at kalusugan.

KARANASAN O SITWASYON DULOT

1.

2.

3.

Pagsasanay 3

PANUTO: Gumawa ng isang sanaysay tungkol sa dulot ng pagiging


mapagpasalamat sa buhay ng tao.

Mga gabay sa paggawa ng Sanaysay


Unang talata Ang nilalaman au kahulugan ng Pasasalamat
Pangalawang talata Dulot ng pagiging mapagpasalamat sa buhay ng tao
Pangatlong talata Pagsasabuhay ng birtud ng pasasalamat

Pamantayan
Ideya 10 puntos

Kalinisan 5 puntos

___________________

TOTAL 15 puntos
PAGLALAHAT

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat katanungan sa bilang. Sagutan ito ayon
sa iyong pagkatuto sa ating aralin.

Pamprosesong Tanong

1. Ano-ano ang mga naidudulot ng pagiging mapagpasalamat sa kalusugan


ng tao?
2.
3.
4.
5.

6. Bakit nakapagdudulot ng kaligayahan sa buhay ng tao ang pagiging


mapagpasalamat
7.
8.
9.
10.

PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Suriing mabuti ang sarili. Tayahin kung ano- ano ang mga naidudulot ng
iyong pagiging mapagsalamat sa aspektong pisikal, Emosyonal, sosyal at ispirituwal.

DULOT NG PAGIGING MAPAGPASALAMAT


ASPEKTO DULOT

Pisikal

Emosyonal

Sosyal

Ispirituwal
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Basahin at suriing mabuti ang pahayag. Isulat sa patlang ang emoji ☺
kung ang pahayag ay tama at  kung ang pahayag ay mali.

___1. Ang paglalaan ng 15 minuto bawat araw na magtuon sa mga bagay na


pinasasalamatan ay nakapagdaragdag ng likas na antibodies na
responsable sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.

____2. Ang mga benepaktor ng nga donated organ na may saloobing pasasalamat
ay mas mabilis gumaling

____3. Isa sa mga dahilan kung bakit nakapagdudulot ng kaligayahan ang


pasasalamat ay nagtataguyod ito ng negatibong karanasan sa buhay ng
tao.

____4. Ang pagiging mapagpasalamat ay pumipigil na maging mainggitin sa iba.

____5. Nakapagpapababa ng halaga ng sarili ang pagiging mapagpasalamat sa


kapwa
Edukasyon sa Pagpapakatao 8 (Modyul ng mga Mag-aaral)
SANGGUNIAN
PAUNANG PAGSUBOK
Mga numero na dapat na may tsek
(1,2,5,6,7)
BALIK-ARAL (Kahit alin sa ibaba, in any order)
1.Magkaroon ng ritwal na pasasalamat
2. Magpadala ng liham pasasalamat
3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik
4. Magpasalamat sa bawat araw
5. Pangongolekta ng mga quotations
6. Gumawa ng kabutihan sa kapwa nang hindi naghihintay na kapalit
7. Magbigay ng simple o munting regalo
PAGLALAHAT
Bilang 1- 5.
✓ Nakapagdaragdag ng likas na Antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga
bacteria sa katawan
✓ Mas nagiging pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng
depresyon
✓ Nakapaghihikayat upang maging maayos amg sistema ng katawan sa pamamagitan
ng pagkakaroon ng mas malusog na presyon ng dugo o pulse rate
✓ Mas malusog ang pangangatawan at mas mahusay sa mga gawain
✓ Ang benepaktor ng mga donated organ na may saloobing pasasalamat ay mas
mabilis gumaling
Bilang 6-10
(kahit alin sa mga sumusunod)
✓ Nagpapataas ng halaga sa sarili
✓ Nakakatulong upang malampsan ang paghihirap at masamang gawain
✓ Nagpapatibay ng Moral na pagkatao
✓ Tumutulong sa pagbuo ng samahan ng kapwa
✓ Pumipigil sa tao na maging mainggitin sa iba
✓ Hindi sumasang-ayon sa negatibong emosyon
✓ Tumutulong upang hindi masanay sa pagkahilig sa mga materyal na bagayo sa
kasiyahan
✓ Nagtataguyod ito sa tao upang namnamin ang mga positibong karanasan sa buhay
PANAPOS NA PAGSUSULIT
1. ☺ 2. ☺ 3.  4. ☺ 5. ☺
SUSI SA PAGWAWASTO

Das könnte Ihnen auch gefallen