Sie sind auf Seite 1von 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX-ORION
CAPUNITAN ELEMENTARY SCHOOL
CAPUNITAN, ORION, BATAAN

DETALYADONG Pangalan ng
MELLET C. ALDERITE
Guro:
BANGHAY Baitang KINDER Seksyon: RED
Araw at MAYO 7, 2021
ARALIN SA Markahan: IKAAPAT
Petsa: 9:00am – 10:00am

KINDERGARTEN Learning Language, Literacy and


Area: Communication

I. MGA LAYUNIN
A. Content The learner demonstrates understanding in letter representation of sounds that
Standard letters as symbols have names and distinct sounds.

B. Performance The learner should be able to identify the letter names and sounds.
Standard
C. Learning Curriculum Guide Code: Identify the letters of the alphabet
Competencies LLKAK-Ih-3 (Letter Ll)
II. ARALIN Letter Ll
III. LEARNING
RESOURCES
A. Sanggunian MELC Quarter 3 Module 2.1 pages 6-9
B. Mga Kagamitan Laptop, PowerPoint presentation monitor ng telebisyon, yeso at pisara, mga larawan,
Bluetooth speaker, activity charts, activity sheets, krayola,construction paper at
pandikit.
IV. MGA GAWAIN GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL
A. Panimulang Mga Magandang umaga mga bata!
Gawain Magandang umaga din po, Ma’am.
Kamusta naman mga bata? Ayos lang ba
ang inyong pakiramdam ngayong araw?
Mabuti naman po, Ma’am.
Atin ng simulan ang araw na ito sa
pamamagitan ng isang panalangin,
pagtukoy ng panahon at araw at pag-
eehersisyo. Hinihiling ko ang lahat na
tumayo. (Ang mga bata ay tatayo upang gawin
ang mga sumusunond na mga gawain
bilang panimula.)

a. Pagdarasal gamit ang audio visual


presentation na panimulang
Panalangin
b. Pagtukoy ng uri ng panahon sa
pamamagitan ng awiting “Ang

SDO ANNEX-ORION
Capunitan, Orion, Bataan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX-ORION
CAPUNITAN ELEMENTARY SCHOOL
CAPUNITAN, ORION, BATAAN

Panahon”
c. Pagtukoy ng araw sa pamamgitan
ng awiting :Pitong Araw sa Isang
Linggo”
d. Pag-eehersisyo sa saliw ng awiting “
Tayo’y Mag-ehersisyo”

B. Pagbabalik-aral Kahapon ay ating napag-aralan ang tungkol


sa mga lugar kung saan natin makikita ang
barbero, kartero at dentista. Tingnan nga
natin kung talaga bang naintindihan ninyo
ang ating nakaraang aralin?(Ang guro ay
magpapakita ng isang chart na may
gawain)

Maaari mo bang tukuyin kung ano ang


tawag sa mga lugar na ito sa pamamagitan
ng pag-uugnay ng mga salita na nasa ibaba
sa mga larawan na makikita sa taas?
Gagamit lamang tayo ng guhit upang sila
ay pagtambalin o pag-ugnayin.

Handa na ba kayo?

Opo, handa na po kami.

Mahusay! Tama ang inyong mga sagot.


Mukhang maaari na tayong dumako sa
susunod nating aralin para sa araw na ito.
May iba pa ba kayong katanungan tungkol
sa nakaraang aralin?

Wala na po.
C. Paglalahad ng Ngayon ay dadako na tayo sa ating bagong
Bagong Aralin aralin, upang malaman natin ang ating
bagong aralin, gusto ko munang awitin
natin ang A,B,C,D o ang alphabet song.
( Ipapakita ng guro sa screen ang mga
letra ng alpabeto na may kasabay na
awitin.)
Aa, Bb, Cc, Dd, Ee, Ff, Gg, Hh, Ii, Jj,

SDO ANNEX-ORION
Capunitan, Orion, Bataan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX-ORION
CAPUNITAN ELEMENTARY SCHOOL
CAPUNITAN, ORION, BATAAN

Kk, Ll, Mm, Nn, Oo, Pp, Qq, Rr, Ss, Tt,
Uu, Vv, Ww, Xx, Yy, Zz

(Naibigay na ng Magaling mga bata! Ang ating aralin


guro ang ngayon ay may kinalaman sa isang letra
Supplementary kung kaya’t pinakanta ko sa inyo ang mga
Activity Sheets sa letra ng alpabetong Ingles. At upang
mga mga malaman natin ang letrang ating pag-
magulang kasabay aaralan ngayon, mayroon akong inihandang
ang Weekly Home gawain sa inyo . (Ipapakita ng guro sa mga
Learning Plan) bata ang gawain at ipapaliwanang ang
panuto nito.)
Panuto: Kulayan nang buo o puno ang mga espasyo na
nakikita batay sa kulay na iyong nakikita.

(Magsisimula ng gumawa ang mga


mag-aaral.)

(Ipapakita ng mga bata ang kanilang


ginawa)

Mahusay ang inyong pagkakakulay mga


bata! Anong letra ang inyong nakikita sa
natapos ninyong gawain? Iba’t ibang sagot mula sa mga mag-
aaral.

(Kung di pa din masagot ng mga bata ay


ipapaturo ng guro sa mga bata ang
kahawig ng porma ng nabuong imahe sa
gawain doon sa mga letra na makikita sa
screen ng tv at ipapabigkas na muli ang
bawat letrang Ingles upang matukoy ng
mga bata ang pangalan ng letrang nabuo
sa gawain.)

Anong letra ang ating nabuo sa inyong

SDO ANNEX-ORION
Capunitan, Orion, Bataan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX-ORION
CAPUNITAN ELEMENTARY SCHOOL
CAPUNITAN, ORION, BATAAN

ginawa? Letrang Ll po Ma’am.

Magaling! Tumpak ang iyong sagot.

Ngayong araw ay ating pag-aaralan ang


letrang Ll. Ating simulan ang ating pag-
aaral kung paano nga ba ang pagsulat ng
malaking letrang L at ng maliit na letrang l.
(Ipapakita ng guro sa pisara kung paano
isulat ang Malaki at maliit na letrang Ll.)

Nakita ba ninyo mga bata kung paano isulat


ang malaking L at maliit na l. Handa na ba
kayong isulat ito ?
Opo, handa na po kami.

(Ipapasulat ng guro sa mga bata ang


malaking L at maliit na l sa sumusunod na
mga paraan:
a. pagsulat sa hangin gamit ang daliri
b. pagsulat gamit ang ulo
c. pagsulat gamit ang nguso at
d. pagsulat gamit ang puwit at
e. pagsulat gamit ang paa)
Isusulat ng mga bata ang malaking L
at maliit na l sa sumusunod na mga
paraan:
a. pagsulat sa hangin gamit ang daliri
b. pagsulat gamit ang ulo
c. pagsulat gamit ang nguso at
d. pagsulat gamit ang puwit at
e. pagsulat gamit ang paa)

Magaling! Ngayong alam na ninyo kung


paano isulat ang Letrang Ll, atin naming
pag-aralan ang kanyang tunog. Ang tunog
ni letrang Ll ay _______.(Bibigkasain ng
guro ang tunog ng letrang Ll.)

Ulitin nga ninyo mga bata.


(Bibigkasin ng mga bata ang tunog ng
letrang Ll.)
Gamitin nga natin ang tunog ng letrang Ll
upang awitin ang Alphabet song. Sabayan
natin si Ma’am sa pag-awit mga bata.
(Sasabay sa pag-awit ang mga bata.)
Mahusay! Upang palawigin pa ang inyong

SDO ANNEX-ORION
Capunitan, Orion, Bataan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX-ORION
CAPUNITAN ELEMENTARY SCHOOL
CAPUNITAN, ORION, BATAAN

pagkilala kay letrang Ll, mayroon akong


inihandang mga lararan ng iba’t ibang
bagay . Ang tanging gagawin ninyo ay ang
piliin ang mga bagay na sa palagay ninyo
ay nagsisimula sa letrang Ll.(Ipapagawa ng
guro ang gawain na nasa powerpoint.)

(Ituturo ng mga bata ang larawan ng


bagay na sa tingin nila ay nagsisimula
(Mas ipapaliwanag pa ng guro ang mga sa letrang Ll.)
larawang napili ng mga mag-aaral.
Tutukuyin kung ang napili ba ng mag-aaral
ay tama o maling larawan.)
Dahil kayo ay madalas na nasa bahay,
maaari ba kayong mgbigay pa ng iba pang
halimbawa ng mga bagay na nagsisimula sa
letrang Ll na madalas ninyong nakikita sa
loob o sa labas ng bahay?

Mahuhusay kayong lahat mga bata. Iba’t ibang sagot mula sa mga mag-
Binabati ko kayo at ngayon ay kilala na aaral.
ninyo si letrang Ll.
D. Indibidwal o Upang lubos pa ninyong matutunan ang
Panggrupong tungkol kay letrang Ll, narito ang iba’t
Gawain ibang gawain . Kayo ay aking hahatiin sa
(Offline lima . Bawat isa ay gagawa ng isang
Activities) gawain. (Ipapaliwanag ng guro ang mga
gawain.)
(Nabanggit na sa mga
magulang ang mga Mga gawain:
materyales nagagamitin
ng mga bata. Ang Unang Mag-aaral: Susulat ng sampung
magulang ang syang Letrang Ll gamit ang krayola. Pula para sa
magiging guide sa mga malaking L at asul sa maliit na l.
gawain) Note: Kung walang krayola dahil ang bata
ay nasa bahay dahil sa pandemic, kahit
lapis na lamang ang gamitin sa pagsulat.

Ikalawang Mag-aaral: Hahanapin at


bibilugan ng kulay itim na krayola ang mga
letter Ll.
Note: Kung walang krayola dahil ang bata
ay nasa bahay dahil sa pandemic, kahit
lapis na lamang ang gamitin sa pagsulat.

Ikaltlong Mag-aaral: Bubuo ng letrang Ll


gamit ang pinira-pirasong makukulay na

SDO ANNEX-ORION
Capunitan, Orion, Bataan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX-ORION
CAPUNITAN ELEMENTARY SCHOOL
CAPUNITAN, ORION, BATAAN

papel at ididikit ito sa nakalaang papel.


Note: Kung walang makukulay na papel,
maaaring gumamit ng kahit anong may
kulay tulad ng tuyong dahon o damo bilang
kapalit at kung sa pandikit naman ay pwede
ng kanin na lamig.

Ika-apat na Mag-aaral: Pagtambalin ang


mga larawang nagsisimula sa titik Ll sa
kanyang pangalan gamit ang guhit.

Ikalimang Mag-aaral: Isulat ang


nawawalang letra sa patlang upang mabuo
ang mga salita.

(Magsisimula ng gumawa ang bawat


mag-aaral.)

1: Susulat ng sampung Letrang Ll


gamit ang krayola. Pula para sa
malking L at asul sa maliit na l.

2: Hahanapin at bibilugan ng kulay


itim na krayola ang mga letter Ll.

3: Bubuo ng letrang Ll gamit ang


pinira-pirasong makukulay na papel at
ididikit ito sa nakalaang papel.

4: Pagtambalin ang mga larawang


nagsisimula sa titik Ll sa kanyang
pangalan.

(Tatawagin ng guro ang bawat isa upang 5: Isulat ang nawawalang letra sa
ipakita ang kanilang gawa at magbigay ng patlang upang mabuo ang mga salita.
paliwanang hinggil sa gawain.)

Mahuhusay at kamangha-mangha ang (Ang bawat isa ay magpapakita ng


inyong mga ipinamalas sa bawat gawain. kani-kanilang gawa at magsasabi ng
Maraming Salamat mga bata sa inyong maikling paliwanag.)
kooperasyon.

Mayroon pa ba kayong katanungan tungkol


sa aralin?

SDO ANNEX-ORION
Capunitan, Orion, Bataan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
SDO ANNEX-ORION
CAPUNITAN ELEMENTARY SCHOOL
CAPUNITAN, ORION, BATAAN

Palakpakan ninyo ang inyong mga sarili


mga bata. Iiwan ko lamang ang isang Wala na po Ma’am.
paalala mga bata para sa kinakaharap
nating pandemya at ito ay may mga letrang
Ll din sa mga salita.

“ LALO TAYONG LIGTAS KUNG TAYO AY


HINDI LAGING NASA LABAS.”

Tapos na tayo sa ating aralin ngayong


araw. Salamat sa pakikinig at pakikiisa mga
bata.

Inihanda ni:

MELLET C. ALDERITE
Teacher I
Inobserbahan ni:

CORINA P. GUZMAN
Master Teacher II

SDO ANNEX-ORION
Capunitan, Orion, Bataan

Das könnte Ihnen auch gefallen